Saturday, December 8, 2007

AN OPEN LETTER TO ALL MEMBERS OF PECCI
(ISANG BUKAS NA SULAT PARA SA MGA KASAPI NG PECCI)

(December 6, 2007 text message…“ 2-DAY IS THE 49TH ANNIVERSARY OF PECCI. MAKIISA AT ITANONG NATIN SA ATING MGA OPISYALES KUNG ANO ANG BALAK NILA SA ATING COOP. “ EXTENSION BA O NEW COOP ? “. PER CDA, IF NO REQUEST IS FILED ON OR BEFORE DECEMBER 15, 2007, OUR COOP IS CONSIDERED DISSOLVED. PROTEKTAHAN ANG ATING KOOP “.. Ipasa sa iba…)

Mga kapatid at kapwa kasapi sa PECCI. Kumalat sa buong kasapian (Luzon, Visayas at Mindanao) noong Huebes (Dec. 6, 2007) ang text na ito. Marapat lamang na bigyang linaw ang mensahe upang maintindihan at maging bahagi na malayang talakayan ng mga kasapi o miyembro ang mga mahahalagang isyung kinahaharap ng ating samahan.. Napakagandang pagkakataon upang mabigyang buhay ang unang prinsipyo sa kilusang kooperatiba, ang “DEMOCRATIKONG PAMAMAHALA “(Democratic Control). Nagpapalakas ng samahang kooperatiba na kung saan ang mga kasapi ay malayang nakapagpapahayag at nakikilahok sa mga usaping makakaapekto sa kanila. Ito’y kontra sa isang pamamalakad na iilan lamang ang nagpapasya at nagtatakda ng dapat gawin para sa sariling mga motibo o kapakanan lamang.

Malinaw sa text sa itaas na sa isang taon (Dec. 6, 2008) ay ang 50th Corporate Anniversary ng PECCI. Nasasaad sa Memorandum Circular No. 2006-09, Series of 2006 ni Chairperson Juarez ng Cooperative Development Authority or CDA, na dapat ay humiling lamang tayo ng EXTENSION para sa 50 more years o dugtong na limampung taong buhay para sa PECCI kung ating nanaisin. May kumakalat na balita na may mga opisyales sa present Board of Directors ng PECCI ang tahimik na lumalakad para sa pagbubuo ng isang “BAGONG KOOPERATIBA” na papalit sa kasalukuyang PECCI.

Bakit “Bagong Kooperatiba”? Bakit hindi ipagpatuloy ang kasalukuyang kooperatiba? HINDI BA’T ANG MGA ISSUE NA ITO AY HINDI LAMANG SAKOP NANG PAGPAPASYA O PAGDEDESISIYON NG IILANG DIRECTOR KUNDI DAPAT AY PINAG-UUSAPAN AT PINAG-DEDESISYONAN NG BUONG MIYEMBRO NG PECCI? DAPAT LAHAT TAYO AY INVOLVED DAHIL BUHAY NG KOOPERATIBA ITO!

PAPANO NA LANG KUNG AYAW NG KARAMIHAN ANG MAGING MIYEMBRO SA BAGONG KOOPERATIBANA ITINATATAG NG ILANG DIRECTOR AT MGA ALIPORES NITO? ANG MGA DIRECTOR NA NAGTAGTAG NITO AY DAPAT MAG-RESIGN SA KASALUKUYANG PECCI DAHIL TAKSIL SILA SA ADHIKAIN NG CURRENT PECCI AT SA MGA MIYEMBRO.

Pero ano nga kaya ang dahilan (tila malalim ito..) at ano nga ba ang motibo ng grupong ito?

Kung mag-expire ang buhay ng kasalukuyang PECCI dahil ayaw ng mga naka-upong Director, sa isang banda, hindi ganoong yata ka-simple ang procesong dadaanan ng isang na-dissolved o nag-expired na Coop? Kahit sa isang ordinaryong Korporasyon, may proceso ng tinatawag na “ liquidation of assets and payments of liabilities ”. Papaano ang mga miyembro na ayaw sumali sa bagong kooperatiba at gusto ipagpatuloy ang kasalukuyang PECCI? Saan kukuha ng pera o pondo para sa capitalization ang bagong kooperatiba? Sa pera natin sa current PECCI? Kung gagalawin ang pera natin ay dapat pagbotohan ng miyembro kung papayag ang karamihan ng miyembero. Parang personal na pera ng mga Director ang turing nila sa pera ng PECCI. Mali yata yon at labag sa batas!

Napakamasalimoot at komplikado ang mga bagay na ito. Maraming mga katanungan ang dapat munang masagot ng kasalukuyang pamunuan ng PECCI. Papaanong bubuuin, papaano ang mga deposito ng miembro, sino-sino ang bubuo, .. Pero ang pinaka-simpleng katanungan ay BAKIT KINAKAILANGANG GAWIN ITO?

Ganoon pa man, may paraan pa para maparating natin sa CDA ang ating damdamin Kalakip ng open letter na ito ang isang petisyon inaasahan naming susuportahan ng lahat o nakararami ng mga kasapi ng PECCI. Ang issue ay ang buhay ng pinakamamahal nating samahan magdaaos ng 50th Anniversary sa susunod na taon Dec.6, 2008. Napakalaking grasya at pakinabang sa buhay natin dito sa PLDT sa nagdaaang 49 years at magiging bahagi ng buhay pa natin.

LUMAGDA SA PETISIYON. BUHAYIN ANG PECCI AT HINDI ANG MAGBUO NG PANIBAGO NG KOOPERATIBA!


“FOR A CHANGE” TEAM

No comments: